DAHIL sa biglang pag-init ng panahon, nakikita na ang pagbaba ng antas ng tubig sa La Mesa Dam.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)- Hydro-Meteorological Division, ang pagkaunti ng tubig sa dam ay dahil ilang linggo nang walang ulan.
Sinabi ni Richard Orendain ng PAGASA, nasa 12 centimeters ang nababawas sa tubig ng water facility.
Pinawi naman ng ahensiya ang pangamba ng publiko laban sa water shortage dahil mayroon pang sapat na tubig ang La Mesa Dam na manggagaling sa Angat Dam.
Hindi rin aniya umaabot sa critical level na 18 meters ang lalim ng dam.
“Halos 12 centimeters ang binababa niya araw-araw. Although marami pa rin tayong tubig dahil ang pinaka source nito ay ‘yung Angat Dam nga at ‘yung elevation ng Angat Dam ay 204.05 (meters). Malayo pa ito sa 180 meters na ito ‘yung critical low level na tinatawag natin,” ayon kay Orendain. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.