LA MESA DAM ECO PARK

ORO MISMO

NATAWAG ang a­king pansin sa post sa Facebook ni G. Severino Samonte: “As a resident of Novaliches who was born 10 years after the La Mesa or Novaliches Dam was constructed in 1929, I am addressing this urgent appeal to Quezon City Mayor Joy Belmonte and the City Council headed by Vice Mayor Gian Sotto: DO NOT RENAME THE LA MESA ECO PARK  TO GINA LOPEZ ECO PARK.”

“Please preserve the only remaining heritage of the historic former town of Novaliches. You can find many other ways of hon-oring the late Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez.”

Sinang-ayunan naman ito ni Ernesto Serrano Domingo na nagsabing,” Correct brod Viring. Puwede ipagtayo na lang ng mon-umento jan sa La Mesa Dam park.

Komento naman ni Myrna Reyes: Maglagay na lang mini park sa loob ng eco park at pa­ngalanan natin ng Gina Lopez park. ‘Yung mini virgin forest ay legacy ni Ms. Gina Lopez dahil siya talaga ang namuno sa reforestation ng La Mesa reservoir. Ang Novaliches La Mesa dam ay hayaang manatili ang pangalan.”

Paliwanag naman ni Ka Vering Samonte: Ako mismo ay admirer ni late Environment Secretary Gina Lopez, pero hindi ako makapapayag na palitan ng pangalan niya ang La Mesa-Novaliches Dam, at sana ay samahan ako ng aking mga kababayang Nova-lenyo at Novalenya sa paglulunsad ng protesta laban sa panukala ng mga konsehal ng QC.

Actually, maraming grupo ang nag-undertake ng reforestation project diyan sa La Mesa dam, kabilang ang Boy Scouts of the Phils., ang dating Manila Seedlings Bank, at ang dating Malacañang Employees Union noong 1970s-1980s.

Sagot ni Lilian Ester : Tama po….’wag na silang mamolitika or pumapel para lang sa pag-iiba ng pangalan….Hindi pa isinisilang ang karamihan noong panahon na mapangalanan iyan ng La Mesa Dam Novaliches…..Sana po mabasa at makarating sa mga kinauukulan ‘yang concerns n’yo  at ng mga Novalenos….

May magandang proposal naman si Max Edralin:The Pasig cleanup is her most prominent project. Why not a Gina Lopez Ferry. And make it stick for everyone to remember each time take the Ferry.

Sa opinyon ng inyong lingkod, nakalilito para sa madlang people kung papalit-palit tayo ng pangalan ng lugar o kalye. Kung gusto nating magbigay ng pagpupugay sa naging kontribus-yon or advocacy ng isang tao, dapat ipangalan sa kanya ang isang re-markable na bagong project na nalikha sa tulong niya.

Hindi ‘yung established na pangalan, papalitan. Magdudulot lamang ito ng kalituhan sa taumbayan.

Comments are closed.