Kaye Nebre Martin
ISA sa huling kagubatan sa Metro Manila na makahihinga ka ng sariwang hangin at makakakita ng endemic flora and fauna ay ang La Mesa Ecopark. Pero bago pa ito binuksan, bahagi ang La Mesa Ecopark ng 2,700-ektaryang La Mesa Watershed, na siyang pangunahing pinagkukunan ng tubig na maiinom ng mga resident eng Metro Manila, na may 2,000 ektaryang kagubatan.
Inayos ang 33-ektaryang public park na nasa labas ng natural boundaries ng watershed noong 1999, at pinangalanang La Mesa Ecopark nang buksan ito noong 2004.
Taong 2000 nang tumira kami sa Fairview at tumira kami ditto ng 13 taon kaya abpt na abot naming ang pagbubukas nito. Sa ngayon ay Php50 ang entrance fee sa mga hindi residente ng Quezon City, Php40 sa QC residents, Php20 sa estudyante at bata, at libre naman ang mga senior citizens ng Quezon City.
Sa loob, pwedeng mag- hiking, mountain-biking, horseback riding, rappelling, zip-lining at fishing. Pwede ring mamangka sa lawa. Meron din silang “Ecotrail” at orchidarium. Pinakamagandang bumisita ditto sa buwan ng October hanggang February.
Syempre, makikita rin ditto ang La Mesa Watershed Reservation kasama na ang dam at reservoir na pinamamahalaan at kinokontrol ng the Department of Environment and Natural Resources. May mga picnic tables si paligid ng park na pwedeng gamitin ng libre, pero syempre, first come, firsy derved. Kung wala kayong makuhang mesa, pwede rin namang maglatag na lamang ng picnic mats. KNM