LA MESA ECO PARK IPAPANGALAN KAY GINA LOPEZ

La Mesa Eco Park

UMANI ng pagsuporta mula sa Bantay Kalikasan, City Legal Department, City Tourism Department at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang  panukalang pagpapalit ng pangalan ng La Mesa Ecopark sa Gina Lopez Eco Park sa  Quezon City.

Lumabas ito sa ginanap na pagdinig ng Que­zon City  Committee on Tourism.

Ayon kay  Quezon City  Councilor Winston Castelo,  hihilingin na lamang nila sa La Mesa watershed Multi Sectoral Management Council ang suporta sa resolu­s­yon.

Sinabi nitong hindi matatawaran ang nagawa at legacy ni Lopez sa pa­ngangalaga sa kalikasan at kapaligiran  kaya nais bigyang pagkilala ito sa  pagpapalit ng pangalan ng eco-park sa  kanyang pangalan.

Comments are closed.