BUBUKSAN muli ang La Mesa Ecopark sa publiko matapos ang ilang buwang rehabilitasyon nito.
Pangungunahan ito ng Manila Water Company (MWC), katuwang ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Quezon City Government.
Ayon sa Manila Water, kasama sa first phase ng La Mesa Ecopark ang Eco Academy Pavilion, Viewing Deck, Souvenir Shop, Group Activity Area, at Picnic Area.
Magiging operational naman ang La Mesa Ecopark tuwing martes hanggang linggo mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
P ANTOLIN