LA NIÑA ASAHAN NA SA 3RD QUARTER NG TAON

POSIBLENG maramdaman sa mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre ang La Niña phenomenon sa bansa.

Ayon monitoring ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief na si Ana Liza Solis, base sa El Niño-Southern Oscillation (ENSO) Alert System ay nasa 69% na ang probability ng La Niña kaya nananatili na ang La Niña watch sa ngayon.

Inaasahan din ng state weather bureau ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan simula sa huling Linggo ng Mayo hanggang Hunyo 15.

Sa isinagawang pagpupulong ng Presidential Task Force on El Niño response, bagaman humihina na ang El Niño Phenomenon posibleng umiral pa rin ang epekto nito kabilang ang mainit at maalinsangang panahon.

Una na ring pinakilos ni Defense Sec. Teodoro Gibo, chairperson ng naturang task force ang lahat ng tanggapan ng gobyerno para simulan na ang paghahanda sa banta ng La Niña phenomenon.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa komprehensibong disaster preparedness at rehabilitation plan sa El Niño at La Niña.
P ANTOLIN