LA SALLE, ADAMSON SA KRUSYAL NA LARO

Standings           W      L
*UP                       11    2
*Ateneo                9      3
*NU                       9      4
DLSU                     6     6
AdU                       6     6
UE                          4     9
FEU                       4      9
UST                       1     11
*Final Four

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
11 a.m. – AdU vs NU (Men)
1 p.m. – FEU vs UST (Men)
3 p.m. – UE vs DLSU (Men)
6:30 p.m. – UP vs Ateneo (Men)

 

NAKAIPIT sa mahigpit na labanan para sa huling Final Four berth, ang La Salle at Adamson ay magtatangka sa all-important wins upang manatili sa kontensiyon sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Araneta Coliseum.

Maaaring mas magaan ang kanilang makakalaban kaysa Falcons, ngunit hindi maaaring maliitin ng Green Archers ang kanilang huling dalawang elimination round games.

Bago harapin ang kulelat na University of Santo Tomas sa Miyerkoles, isang make-up mula sa nakanselang October 29 duel dahil sa Severe Tropical Storm ‘Paeng’, ang La Salle ay sasagupa sa also-ran University of the East sa alas-3 ng hapon.

Masalimuot ang pagdaraanan ng Adamson para makapasok sa Final Four, kung saan makakabangga nito ang National University at Ateneo sa kanilang mga nalalabing laro sa i elimination.

Bago makaharap ang Blue Eagles sa Miyerkoles, na bahagi rin ng nakanselang laro sa October 29 doubleheader, ang Falcons ay sasagupa sa Bulldogs side na naghahangad ng twiceto-beat slot sa Final Four sa alas-11 ng umaga.

Target ng defending champion University of the Philippines, nakopo na ang twice-to-beat Final Four incentive, na selyuhan ang No. 1 ranking sa pagsagupa sa Ateneo sa rematch ng Finals noong nakaraang season sa alas-6:30 ng gabi.

Matapos ang 3-6 record, ang Green Archers ay nanalo sa kanilang huling tatlong laro para manatili sa kontensiyon sa Final Four.

“In order for us to make it to the next round, the Final Four, we cannot just let our talent or individual talent play through it. We’re not gonna make it if we do that. It is more of a team effort talaga. Collective effort from each and everyone,” sabi ni La Salle coach Derrick Pumaren.

Samantala, ang Falcons ay nagposte ng back-to-back victories upang manatiling buhay ang kanilang semifinals hopes na may 6-6 kartada.

Inaasahan ng Adamson ang matinding laban kontra NU, na determinadong makabawi mula sa pagkatalo sa La Salle noong Miyerkoles.

Sa pagkatalo ay nahulog ang Bulldogs sa third place sa 9-4, maghahabol sa Blue Eagles (9-3) ng kalahating laro para sa No. 2 spot sa Final Four.

Magsasalpukan ang Far Eastern University, naputol ang ika-8 sunod na Final Four stints, at UST sa no-bearing game sa ala-1 ng hapon.