LA SALLE HUMIRIT NG ‘DO-OR-DIE’

Mga laro sa Miyerkoles:
(Smart Araneta Coliseum)

8 a.m. – UPIS vs FEU-D (Boys)

10 a.m. – DLSZ vs UST (Boys)

12 noon – NU vs UST (Women Finals)

6 p.m. – UP vs DLSU (Men Finals)

PATULOY ang Game 2 curse para sa University of the Philippines.

Nag-init ang La Salle sa second quarter at dinomina ang second half upang durugin ang Fighting Maroons, 82-60, at palawigin ang UAAP men’s basketball Finals sa isa pang laro kagabi sa harap ng 20,863 fans sa Smart Araneta Coliseum.

Dala ng UP ang momentum ng kanilang 30-point series-opening victory sa pagkarera sa 12-2 kalamangan sa back-to-back baskets. ni Malick Diouf.

Sa kabila ng pagbigay ng 27 points sa kanilang kalaban sa first period, nagpatuloy lamang ang Green Archers sa paglalaro, nilimitahan ang  Fighting Maroons sa tig-11 points sa second hanggang fourth quarter upang ipatas ang serye sa 1-1.

Sa ikalawang sunod na  Finals ay nabigo ang UP na tapusin ang series, kung saan ang Diliman-based side ay 0-4 ngayon sa Game 2s.

Ang championship decider ay nakatakda sa Miyerkoles, alas-6 ng gabi, sa Big Dome.

Iskor:

DLSU (82) – Escandor 14, David 12, Austria 11, Quiambao 9, M. Phillips 9, Nonoy 8, Macalalag 7, Cortez 6, Nelle 4, B. Phillips 2, Manuel 0, Abadam 0, Policarpio 0.

UP (60) – Cansino 11, Diouf 11, Alarcon 10, Lopez 9, Cagulangan 6, Felicilda 6, Torculas 4, Abadiano 3, Belmonte 0, Torres 0, Alter 0, Pablo 0, Gonzales 0, Briones 0.

QS: 24-27, 44-38, 65-49, 82-60.