LA TROUPPEI, JAGUAR MAGKAKASUBUKAN SA TRIPLE CROWN 3RD LEG

horse racing

TUTUTUKAN ang La Trouppei at Jaguar sa paglarga ng Third Leg ng 2023 Philracom Triple Crown Series sa Linggo, July 16, sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.

Ang La Trouppei ang first leg winner habang second leg champion ang Jaguar sa Triple Crown Stakes Race.

May P3.5-million na nakataya sa mahabang 2000 metro distansiyang takbuhan, siyam na kabayo ang susubok na makapasok sa Philippine horseracing history, kung saan ang mananalo ay magbubulsa ng P2.1-million.

Mapupunta sa second placer ang P787,500, iuuwi ng tersero ang P437,500 habang P175,000 ang sa fourth placer.

Bukod sa La Trouppei at Jaguar, makikipag-unahan din sa finish line ang Boat Buying, Earli Boating, Easy Does It, Going East, Istulen Ola, Keep Da Trick at Secretary.

Samantala, idaraos ngayong Sabado ang third installments ng Hopeful Stakes at ng Three-Year-Old Locally Bred Stakes sa kaparehong distansiyang 2000m.

Pitong runners ang tatakbo kapwa sa Hopeful at sa Locally Bred event na may papremyong P1.5-million at P1-million, ayon sa pagkakasunod.

“The Triple Crown Series is a gateway and a barometer for the country’s top three-year-olds as to how they could fare in the upcoming events of the year including the P10-million Philracom-PCSO Presidential Gold Cup in December,” pahayag ni Philracom Chair Reli de Leon.