LABADAN 9TH SA ALL-AROUND SA ASIAN RG TILT, BALIK SA WORLD CHAMPIONSHIPS

SINELYUHAN ni teener Breanna Labadan ang kanyang pagbabalik sa world championships sa pamamagitan ng isang solid performance na sapat para sa ninth place sa individual all-around finals ng 14th Rhythmic Gymnastics Asian Championships kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Si Labadan, 16, ay nakarekober mula sa shaky hoops outing upang matikas na mag- tapos na may 110.40 points sa meet na inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines at sinuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang 5-foot-2 Pinay pixie ay umiskor ng 26.10 sa hoops, 29.40 sa ball plus at 28.30 at 26.45 sa clubs at ribbon, ayon sa pagkakasunod, upang tumapos na mas mataas ng apat na baitang sa kanyang natamo noong 2022 edition ng meet na idinaos sa Pattaya, Thailand.

Napanatili ni Uzbek’s Takhmina Ikromova ang individual allaround crown na may top score na 132.20 points habang kinuha nina Kazakh’s Eizhana Taniyeva (128.350) at Chinese Wang Zilu (121.80) ang silver at bronze, ayon sa pagkakasunod, sa meet na may basbas ng Asian Gymnastics Union at suportado ng Taishan.

“Although I could have done better, I am nevertheless happy with the outcome of my performance so I can
return to the worlds,” sabi ni Labadan na nakahinga nang maluwag makaraang maglaro sa harap ng enthusiastic hometown crowd.

“This is her (Labadan’s) best result in the Asian championships and the best result for your country so I am very happy about her performance because last year she was 13th,” sabi ni Hungarian coach Dora Vass patungkol sa kanyang atleta.

“Breanna beat two South Koreans, a Taiwanese and a Malaysian which shows you how great her performance was,” pagbibigay-diin ni Vas sa tagumpay ni Labadan sa event.

-CLYDE MARIANO