LABAN NG LAHI 23K PLATOON CHALLENGE

on the spot- pilipino mirror

MAY KABUUANG P3 milyong premyo ang iuuwi ng magkakampeon sa 4th  edition  ng Laban ng Lahi 23K Platoon Run Challenge na aarangkada sa Setyembre 17-19 sa Bislig, Surigao del Sur.

May temang ‘One Nation, One People, One Philippines’,  ang karera ay suportado ng lokal na pamahalaan ng Bislig City, na  kinatawan ni Vice Mayor Jonas Cacayan kaalinsabay sa pagdiriwang ng Charter Day ng lungsod.

“Ang aming lungsod ay sadyang sumusuporta sa Challenge Run,  hindi lamang  para himukin  ang ating  iba’t ibang lahi na may pagmamahal sa sports,  kung hindi para  ipakilala natin sa buong mundo kung ano ang mayroon tayong kagalingan sa mga lumahok  sa ating mga katutubo, “ wika ni VM Cacayan.

“ Pinasasalamatan natin ang mga opisyal natin sa Bislig City dahil hindi sila nag-atubili upang gabayan tayo sa ating Olympic level run at maging ang mga sumali, kabilang na ang Senior Citizens Platoon team na maaga pa lamang ay nagpahiwatig ng kanilang kahandaan, “ wika  naman ni National Chairman/founder Airforceman Capt. Junel Pogoy.

Ang second at third placer na  teams ay tatanggap naman ng P800,000 at P500,000, ayon sa pagkakasunod.

Kailangan na 29 sa 31 kasaling runners kada koponan ang tumapos sa karera para mag-qualify sa top three major prize.

Pangungunahan  ng defending champion Calabarzon ang mga inaasahang koponan na lalahok sa karera.

Nagparating na rin ng kanilang interes sa paglahok  ang Netherlands Platoon Team-pawang kababaihan sa Global Challenge Run na inaasahang lahukan ng 50 hanggang 100 Platoon Teams.

“Handa po ang aming lungsod sa seguridad at kapayapaan ng Laban ng Lahi 23K Platoon Challenge Cup-3M Ultimate Champion Prize. Ilalaan po namin ang lahat ng suporta para sa ikatatagumpay ng labanan ng mahuhusay na iba’t ibang lahi,  lokal man o ibang bansa, “ ani Bislig City Executive Sec. Rosendo Campos.

Sinabi ni overall race director/coach Nicanor Gandeza na nakipag-ugnayan na sila sa PNP,  militar,  marshalls at iba pang sektor para sa ikatatagumpay ng Laban ng Lahi 23K Platoon Run Challenge.

oOo

PAHABOL: Happy 6 months sa apo ko na si Harvee Rochev Jingco, at congratulations sa anak kong si Auztin Dwayne Manuel na nabautismuhan na.Welcome sa BINHI, balong. Salamat kay Bro.Leo Magtoto na nagdoktrina sa kanya. Salamat po,  AMA

Comments are closed.