LABAN NG LAHI PLATOON RUN TULOY PA RIN

on the spot- pilipino mirror

WALANG umatras sa lahat ng mga kalahok sa Laban ng Lahi Platoon Run na iniurong ang petsa sa Disyembre 2020 mula Setyembre 18 sa kabila ng banta ng COVID-19.

Sa paliwanag ni  Laban ng Lahi president at founder Captain  Joenel Pogoy ng Philippine Airforce sa TOPS Usapang Sports kamakailan,  lahat ng mga kalahok sa bawat koponan ay handa pa ring sumabak at tumakbo sa Bislig, Surigao.

Sa ngayon ay nakahanda sila sa kanilang guidelines at health protocols anuman ang iatas ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Waiting kami sa positive development. Hindi pa kami nag-usap ng personal at naghihintay kami sa official declaration ng project, for us to proceed the project. Once na may clearance na we can start, that’s the time we have to submit the formal letter to IATF.  We are happy at marami nang sponsor at hindi kami kakabahan para ituloy ang lahat. Sa ngayon ay minimum 50 participants sa running competition na hindi sabay-sabay tatakbo, after 10 minutes, takbo ang susunod na grupo.”

Tuloy pa rin naman ang paglahok ng mga senior citizen sa Laban ng Lahi dahil una nang nagparehistro ang mga ito at titiyaking ia-isolate sila at magkakasama sa isang eroplano pagpunta sa venue maging sa hotel accommodation at iyan ay ipapa-facilitate sa IATF.

Hinikayat din ni Capt. Pogoy ang malalaking kompanya na bumuo ng team lalo na at nanatili ang P3-M na premyo sa magkakampeon na koponan. Kasama rito ang pangakong P1-M ni Senator Manny Pacquiao.

@@@

Bago tuluyang makabalik sa PBA si Calvin Abueva ay kailangan niyang makipag-usap sa Game and  Amusement Board o GAB para umano mabigyan ito ng clreance kung puwede na nga ba itong makabalik sa paglalaro.

Kamakailan lang ay binawi ni PBA Kume Willie Marcial ang pagbabalik-practice ni ‘D Beast’ sa kanyang mother team. Nais kasi ni Chairman Baham Mitra na makipag-usap ang player sa kanilang tanggapan sa Makati bago maisyuhan ng bagong lisensiya ang player.

Willing naman ang GAB na mabigyan ng lisensiya si Abueva kung mangangako ito na hindi na mauulit ang gulong kinasangkutan, 14 na buwan na ang nakararaan.

Ayon sa fans ni Calvin,  huwag sana nilang paasahin ang kanilang idol na makapaglalaro na ito kung hindi naman talaga. Umaasa sila na sa pakikipag-usap ni ‘D Beast’ sa GAB ay magkakaroon na ng linaw ang lahat.

Comments are closed.