WALA nang makapipigil pa sa LABAN NG LAHI na naudlot nang pumutok ang pandemya. Hindi nabawasan ang mga kalahok sa darating na Platoon Run Olympics 2022 na natigil ng dalawang taon.
Ngayon ay handang-handa na ito para lumarga kung saan may 33 miyembro ng mananakbo sa bawat grupo sa Dis. 16-18 sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.
“We want to have more participants as many as possible,” wika ni Laban ng Lahi Camboayan Sports organizer Joenel Pogoy sa isang press conference kahapon sa Vikings, kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga adbokasiya ng patakbo.
“Hindi lamang ang mga ordinaryong runners, maging ang kabuhayan ng mahihirap na mamamayan ang iaangat natin dito, isama na natin ang pagpapalakas ng turismo sa Kamindanawan, maging ang mahikayat natin ang ibang local province na maitaguyod nila ang kanilang kultura,” dagdag ni Pogoy.
Target din ng Platoon Run Challenge Olympics na maitala sa Guinness Book of World Records bilang kauna-unahang group run, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na may nakalaang P10-M premyo sa magkakampeon, na daraan muna sa masusing criteria of judging: itatanghal na 1. fastest team, 2. presentability o nakasuot ng uniporme/ costume bilang pagkilala sa kanilang probinsya o tribal wear, 3. team work, 4. chanting at 5. text votes na ibabase sa boto bilang pambato o paborito ng kanilang lugar.
Pinaka-espesyal na itatampok sa rutang tatahakin ng platoon runners ang isang kilometrong haba ng mga nakalatag na lechon belly mula sa tagapagtaguyod na PRAI partylist na inihanda ni Ret. General Van Luspo, na ayon sa kanya, ang tatangkilik o bibili ng produkto ay siyento porsiyentong mapupunta sa hog raising livelihood ng mga maliliit na negosyante.
Ang 3rd edition ng Platoon Run Challenge sa Brgy. La Union, Cabadbaran City, Agusan del Norte noong Disyembre 2019 ay pinagwagihan ng Running Team Calabarzon, sa pangunguna ni coach Nick Gandeza na nakapag-uwi ng P1-M at nanalo pa ng kotse sa raffle ang isang RTC runner bukod pa sa libre ang pagkain, hotel at akomodasyon ng 33 runners sa 4 na araw na event.
Gaano kaya katotoo na babalik na sa NLEX Road Warriors si Kiefer Ravena para ipagpatuloy ang naudlot niyang kontrata sa team? Tulad ng pangako ni Ravena ay isamg season lang siya sa Japam B. League kaya naman pinayagam siya ng MVP Group. Sayang kung napaaga lang ang pagbalik ni Kiefer sa Road Warriors na lumaban sa semifinals, siguro ay nagkaroon ng chamce ang team ni coach Yeng Guiao na makasabay sa Barangay Ginebra.. Anyway, bawi na lang next season.