(Laban sa anim na kompanya) OPLAN KANDADO IKINASA NG BIR-VALENZUELA CITY

Rufo Ranario

ANIM sa 13 kompanya ang nasampolan ng Oplan Kandado program ng Bureau of Internal Revenue-Valenzuela o Revenue District Office No. 24 noong isang linggo.

Pinangunahan ni­na Ma. Grace Javier, regional director ng BIR-Revenue Region 5-Camanava-Bulacan at Revenue District Officer Rufo Ranario ang reinforcement activity laban sa na nabigong tumugon sa kanilang requirements gaya nang hindi pagpaparehistro.

“Ang kanilang main branch ay rehistrado subalit itong sangay nila ay hindi, ang violation nila ay hindi pagpaparehistro sa amin kaya may karapatan kaming isara sila,” paliwanag ni Ranario sa PILIPINO Mirror.

Sinabi ni Ranario na ang local government unit (munisipyo) ang nagbigay sa kanila ng listahan hinggil sa kumuha ng permit kaya na-detect nila na hindi naman nagparehistro sa kanila.

Isa sa isinara ay ang pabrika ng papel sa Industrial Road, Karuhatan.

Tiniyak naman ng  dalawang BIR officials na bago sila nagdesisyon na ipasara ang isang kompanya ay dumaan sa tamang proseso gaya ng pagpapaala sa mga tax payer na sumunod sa tax law.

Upang maiwasan ang pagpapasara sa establisimiyento ay kanila ring paiigtingin ang reinforcement activies at magpapatuloy na bukas ang kanilang komunikasyon sa mga tax payer gaya ng pagliham at pagpapaalala. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.