APRUBADO na sa Kamara ng panukalang batas na magbibigay proteksiyon sa mga kabataan laban sa corporal punishment.
Sa botong 161-1, lusot na sa Kongreso ang House Bill 8239 o ang Positive and Non-Violent Discipline of Children Act.
Sa ilalim ng panukala, sisiguruhin ng pamahalaan na ang lahat ng mga bata ay ligtas sa anumang uri ng pamamahiya at pisikal na pang-aabuso bunga ng pamamarusa sa tahanan, paaralan, juvenile welfare system, lugar ng pananampalataya at iba pa.
Ang mga kapitan ng barangay ang nakatalaga na susuri sa mga mapapaulat na lalabag sa nasabing panukala.
Kung mapatutunayan ang paulit-ulit na pagsuway, maaaring isailalim ang mga offender sa isang seminar kaugnay sa tama at wastong pagdidisiplina.
Puwede ring makasuhan ng kasong kriminal ang mga lalabag kung ang akto ay maaaring parusahan sa ilalim ng Revised Penal Code.
Comments are closed.