(Laban sa COVID-19) 43K BIZ FIRMS INISYUHAN NG SAFETY SEALS

Ramon Lopez

MAY kabuuang 43,332 public at private establishments ang inisyuhan ng safety seal certifications sa buong bansa.

Hinimok ni Trade Secretary Ramon Lopez ang mas marami pang negosyo na gamitin ang seal bilang bahagi ng measures laban sa COVID-19.

Nakasaad sa safety seal na ang isang establisimiyento ay sumusunod sa minimum public health standards kontra COVID-19.

“Businesses can do their share in the fight against the pandemic and create a healthy space for consumers to transact their purchases and for employees to gainfully and safely earn a living,” ani Lopez.

Sa kasalukuyan, ang  Safety Seal Technical Working Group ay nakatanggap ng 85,731 applications, kung saan 43,332 dito ang aprubado habang 9,858 applications ang ibinasura o isinangguni sa kinauukulang ahensiya.

Ang iba pang applications ay kasalukuyan pang iniinspeksiyon.

Kailangang i-adopt ng mga establisimiyento na nais mag-apply para sa safety seal ang StaySafe.PH o anumang local government unit-mandated digital contact tracing application at ipatupad ang minimum health standards laban sa virus.

“The implementation of the Safety Seal Program is a very laudable initiative that highly reinforces our country’s response to combat COVID-19,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

“As we gradually reopen our economy, it is important to ensure that our people are safe, and adherence to Minimum Public Health Standards is one vital key to this aspect,” dagdag pa ni Duque.

4 thoughts on “(Laban sa COVID-19) 43K BIZ FIRMS INISYUHAN NG SAFETY SEALS”

  1. 932723 227447Black Ops Zombies […]some people still have not played this game. Its hard to picture or believe, but yes, some individuals are missing out on all of the fun.[…] 853030

Comments are closed.