(Laban sa COVID-19 Delta variant carrier) BORDER CONTROL SA MINDANAO PINAIGTING

UPANG hindi makapasok sa bansa ang mga taong positibo sa COVID-19 Delta variant inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang Maritime Group sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na paigtingin pa ang pagpapatrolya at ang kanilang intelligence monitoring sa mga dalampasigan at karagatan.

Sinabi ni Eleazar ito ay para hindi makalusot ang mga nagsasagawa ang illegal entry mula sa mga kalapit bansa.

Paliwanag ni Eleazar, layunin nito na maprotektahan ang mga lokal na residente sa tatlong lalawigan laban sa pagpasok ng bagong variant ng COVID-19.

Ang Filipinas partikular ang tatlong nabanggit na lalawigan ay napakalapit lang sa Malaysia at Indonesia.

Noong nakaraang Linggo, isinama ng Philippine Government ang Indonesia sa mga bansang may strict travel restrictions dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID 19 dulot ng Delta Variant.

Kaya naman sa ngayon mas pinaigting na pagpapatrolya at intelligence monitoring ang ginagawa ng mga pulis sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Ayon naman kay PNP Maritime Group Director, BGen. John Mitchell Jamili na pinalakas pa nila ang kanilang maritime law enforcement operations sa mga border areas lalo na sa maritime area na nakaharap sa bansang Indonesia at Malaysia.

Dagdag pa ni Jamili, istrikto rin ang kanilang inspection sa mga barko at maging sa mga pasahero na nasa pier, sinisiguro na nasusunod ang minimum health and safety protocols.

Si Eleazar ay nasa Police Region Office –Bangsamoro Autonomous Region at kahapon ay bumisita rin sa Marawi City. EUNICE CELARIO

3 thoughts on “(Laban sa COVID-19 Delta variant carrier) BORDER CONTROL SA MINDANAO PINAIGTING”

  1. 329944 631439I always go to your weblog and retrieve everything you post here but I never commented but today when I saw this post, I couldnt stop myself from commenting here. Wonderful post mate! 565101

  2. 764735 328466Hello. Cool post. Theres an concern with the site in internet explorer, and you may want to test this The browser could be the marketplace chief and a large element of other folks will miss your wonderful writing due to this problem. 979456

Comments are closed.