(Laban sa drug syndicate) KOORDINASYON NG PNP, PDEA PAIIGITINGIN

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na magkakaroon ng mahigpit na koordinasyon ang pulisya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang labanan ang mga illegal drug syndicate.

Sinabi rin ni Eleazar na magkakakaroon sila ng pulong ni PDEA Director General Wilkins Villanueva upang palakasin pa ang kanilang puwersa sa iisang layunin, upang magupo ang drug syndicate.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag nang muling magkagirian ang PDEA agent mula Region 4A at mga kagawad ng Quezon City Police District noong Mayo 14 sa parking area ng isang mall sa Brgy. Greater, Novaliches.

Sa video na kumalat, hindi naman nauwi sa madugong encounter dahil nadisarmahan ng PDEA ang mga pulis at ang mga team leader ng magkabilang panig ang nag-usap.

Sinasabing ang mga pulis at PDEA agent ang “nagkatransakyunan” para kanilang anti-illegal drug operation at huli na bago magkaamuyan na magkabaro sila.
Sinabi naman ni Eleazar na sesentro sa mahigpit na koordinasyon ang magiging pulong ng PDEA upang hindi na maulit ang salpukan.

Magugunitang noong Pebrero 24 ay nagkaroon din ng labanan ang PDEA at PNP sa parking area rin ng isang mall sa Brgy. Commonwealth sa nasabing lungsod kung saan apat ang namatay, dalawang pulis, 1 PDEA agent at isang informant.

Sinasabing pinaglaruan umano ng drug syndicate ang dalawang law enforcement agencies.
Giit ni Eleazar, hindi maaaring paikutin sila ng drug syndicate kaya palalakasin ang koordinasyon sa PDEA upang hindi na maganap muli ang salpukan ng mga law enforcers. EUNICE CELARIO

5 thoughts on “(Laban sa drug syndicate) KOORDINASYON NG PNP, PDEA PAIIGITINGIN”

  1. 830549 905309Following study quite a few the websites with your web site now, and that i genuinely appreciate your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and are checking back soon. Pls have a appear at my internet page likewise and let me know in the event you agree. 193443

  2. 949651 932440Excellently written post, doubts all bloggers offered the identical content since you, the internet has to be far much better place. Please stay the most effective! 708981

Comments are closed.