LUMAGDA sa isang covenant ang ilang senatoriables sa pangunguna ng grupong Murang Kuryente Partylist (MKP) upang isulong sa Kongreso ang laban para mapababa ang singil sa koryente.
Ginawa ang covenant signing nitong Huwebes sa Senior Citizen Community Center sa Addition Hills Mandaluyong City sa pakikiisa ng senatorial candidate na si Leody de Guzman ng Partido Lakas ng Masa (PLM) at mga kinatawan nina re-electionist Senator Bam Aquino at Atty. Chel Diokno ng Liberal Party (LP).
Ayon sa batikang energy advocate na si Gerry Arances, hindi lamang dapat mga lumang isyu ang binibigyang-pansin ng mga senador at kongresista sa kanilang mga plataporma-de-gobyerno, kundi dapat iprayoridad din ang isyu ng walang habas na pagtaas ng singil sa koryente na matagal nang nagpapahirap sa mamamayan.
“Ang MKP, kasama ang mga senatoriables na ito, ang maniniguro na konsumer naman ang maniningil,” ani Arances, 2nd nominee ng MKP .
Lumagda rin sa nasabing covenant signing ang first nominee ng grupo na si Anton Paredes at ikatlong nominee ng grupo na si Glenn Ymata.
Ang Murang Kuryente Partylist ang nag-isang electricity consumer advocates na tumatakbo sa partylist.
Pinangunahan ng MKP ang pagharang sa plano ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association na itulak ang real property taxes para sa mga electric cooperatives.
Pangunahing isusulong ng Murang Koryente Partylist katuwang Mindanao Coalition of Power Consumers (MCPC) at Malinis at Murang Kuryente Campaign (MMK) ang paghahain ng petition sa Korte Suprema upang suspendihin ang labinlimang (15 ) power supply agreements (PSAs) ng Energy Regulatory Commission na dahilan ng walang habas na pagtaas ng presyo ng koryente sa Mindanao.
Comments are closed.