(Laban sa sindikato, terorista) KAALAMAN NG EOD/K9 GROUP I-UPGRADE

AMINADO si Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge, Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na kailangan pa rin ng pag-aaral ng pulisya upang tapatan ang mga sindikato lalo na ang mga terorista na karaniwang gamit ay bomba o eksplosibo.

Ayon sa PNP OIC, bilang tagapagpatupad ng batas, dapat mas higit ang kaalaman ng pulisya kaysa sindikato upang mapigilan ang masasamang aktibidad ng mga ito na bumibiktima ng mga inosente.

Aminado si Danao na kung minsan ay nagiging high-tech pa ang mga criminal kaya naman dapat ay i-upgrade na ang kaalaman ng law enforcer para sa matagumpay na responde.

Isa sa kanyang solusyon ay training at schooling lalo na sa personnel ng Explosive Ordnance Disposal (EOD/K9 Group).

“Siguro let us have another schooling or more of this schooling siyempre in coordination with our US embassy kasi mas marami sila puwede mai-share diyan. Alam niyo kung gaano kadami yung ginagawa nating schooling, itong mga lokong kalaban natin ganun din kadami at ganun din sila kabilis mag innovate ng IEDs,” ayon kay Danao.

Dagdag pa ng heneral na dapat laging daragdagan ang kaalaman ng pulisya dahil ang mga kriminal ay sumusulong din ang kaalaman sa paggawa ng kasamaan.

“Nung una cell phone lang, nang makita nila na pinapatay, patay natin ‘;yung signal aba eh pati radyo puwede na at hindi lang yun. There are so many innovations coming sa enemy. Meron pa ‘yung sticky bomb, meron pa (‘yung as far as I know yung_ drone. There are so many innovations coming sa kalaban.

So siguro let us always update our knowledge para makahabol tayo and will be able to prevent more incidents like what happened in the past,” dagdag pa ni Danao. EUNICE CELARIO