SANIB puwersa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagtataas ng alero sa Central Mindanao upang pigilan ang paghahasik ng gulo ng Dawlah Islamiyah Terrorist Group (DITG) kasunod ng pagkamatay ng katatalagang emir ng nasabing grupoo sa Maguindanao.
Magugunitang napatay sa engkuwentro ng 6th Infantry Battalion Philippine Army sa Sitio Ulangkaya Barangay Ganta Shariff Saydona Mustapha si Adsam Indal, anak ni Kumander Hassan Indal ng Dawlah Islamiyah at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Sa ikalawang combat operation ng 6th IB sa pamumuno ni Lt. Col. Charlie Banaag sa Barangay Dabenayan Mamasapano nasawi sina Asim Karinda alyas Kumander Abu Azim,bagong Emir ng DITG at mga tauhan niya na sina Fahad Salipada alyas Naz, Hamsallah Ganoy Salangani, Salah Salipada at alyas Tatoks.
Si Kumander Azim ang pumalit kay Salahuddin Hassan, ang emir ng Daulah Islamiyah Terrorist Group na napatay sa engkuwentro ng militar sa Barangay Damablac Talayan Maguindanao noong Oktubre 29,2021.
Sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na pinaigting pa nila ang seguridad sa lalawigan ng Maguindanao katuwang ang pulisya sa posibling paghihiganti ng mga terorista.