LABI NG 6 PASAHERO NG CESSNA 206 NAIAHON NA

CAUAYAN CITY- NAIAHON na mula sa bulubundukin ng Divilacan, Maconacon Isabela ang anim na nasawing pasahero matapos ang ikatlong araw mula sa retrieval operation ng Cessna 206 na bumagsak noong Enero 24.

Kahapon ng alas-7:30 ng umaga ay lumipad patungo sa Divilacan ang chopper ng Phillipine Air Force para sa tactical operation group 2 upang kunin ang labi ng 6 na nasawi sa nasabing pagbagsak at dakong alas-8:30 nang dumating ang chopper sakay ang mga labi.

Ang mga labi ay isasailalim sa autopsiya upang makikilala ng kani-kanilang pamilya na sa kasalukuyan ay dinala sa isang punenarya at pagkaraan ay maiuuwi na sa kani-kanilang bayan ang mga bangkay. IRENE GONZALES