LAGUNA – NANANATILING palaisipan sa pulisya maging sa kanyang pamilya ang sinapit ng 26-anyos na dalagang distributor ng kilalang food supplement matapos madiskubre ang bangkay nito sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Pinaglabanan, Brgy. Sta. Isabel, San Pablo City kamakawala ng umaga.
Ayon sa ulat, kinilala ni Laguna PNP Provincial Director, Sr. Supt. Eleazar Matta ang biktimang si Leslie Santos, residente sa nasabing lugar.
Sinasabing nadiskubre ni Jhelyn Malto, 32, kapatid ng biktima, habang nakadapa sa kanilang sala ang bangkay ng dalaga dakong alas- 7:30 ng umaga.
Nakapalupot ang isang kumot sa kanyang leeg, kung saan nakasuot lamang ito ng sando at panty ng matagpuan.
Lumilitaw na walang forcible entry sa loob ng bahay habang patuloy pa rin ang isinasagawang malalimang pagsisiyasat ng mga kagawad ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) para matukoy ng mga ito kung ano ang kanyang ikinamatay.
Base naman sa isinagawang pahayag ng kanyang Ina na si Julie Carandang sa pulisya, sinasabing tinawagan pa aniya nito ang kanyang anak sa cellfone subali’t hindi na ito sumasagot.
Dahil sa labis na pag-aalala, agaran itong tinungo ng kanyang kapatid na babae na si Jhelyn dahil nag-iisa lamang ito sa kanilang bahay saman-talang hindi inaasahang madaratnan itong wala ng buhay. DICK GARAY
Comments are closed.