SAUDI ARABIA – ISANG overseas Filipino worker (OFW) sa bansang ito ang nagpahayag ng malagim na sinapit ng isang kasamahan nilang namamasukan sa nasabing bansa.
Nabatid na humingi ng tulong ang OFW sa isang mamamahayag at itinanong kung paano magpadala ng bangkay sa Filipinas.
Sa pahayag sa mamamahayag ng OFW na humiling na huwag na siyang pangalanan, mayroon lamang siyang kaibigang Egyptian na nagpapatanong nito sa kaniya.
Ang Egyptian ay amo ng kanyang kaibigan na si Rahima Kamungit Amir na taga-Kabuntalan, Maguindanao.
Sinasabing nais ng amo ni Amir na ipadala sa Filipinas ang labi nito ngunit walang nabanggit kung bakit ito namatay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.