LABI NG OFW NA NA-CARDIAC ARREST NASA BANSA NA

CATANDUANES

CATANDUANES – NASA bansa na ang labi ng overseas Filipino worker (OFW) na nasawi bunsod ng cardiac arrest habang ito ay nasa Taiwan.

Nabatid na basta na lang itinapon ng amo ang OFW matapos na mag-cardiac arrest.

Dumating na sa Maynila ang labi ni Rowena Guianan, 42-anyos, dakong alas-5:00 ng umaga sa Taipei International Airport at ibinaba sa ­Ninoy Aquino International Airport.

Ilang araw rin umano itong walang malay at nakaratay sa pagamutan kaya umapela ng tulong ang mismong kapatid nito at mga kaibigan para sa bayarin sa ospital.

Malaking pasasalamat naman ng Overseas Worker’s Welfare Administration (OWWA) sa pagsagot ng lokal na pamahalaan ng San Andres sa transportation expenses ng labi, gayundin ang sumalubong na mga kamag-anak ni Rowena.

Una nang naiulat na natagpuang walang malay ng mga pulis si Guianan sa isang kakahuyan na pinaniniwalaang inatake sa puso habang iniwan na lang ng amo upang takasan ang responsibilidad sa pagtulong sa pagpapagamot ng ­empleyado.

Samantala, nabatid na inactive ang naturang Pinay sa OWWA matapos na hindi mag-renew ng membership noong 2014 ngunit makatatanggap pa rin ng P20,000 relief assistance ang ­naiwang pamilya ni Guianan.    AIMEE ANOC

 

4 thoughts on “LABI NG OFW NA NA-CARDIAC ARREST NASA BANSA NA”

  1. Oh my goodness! an amazing article dude. Thanks However I’m experiencing problem with ur rss . Don’t know why Unable to subscribe to it. Is there anybody getting similar rss downside? Anybody who knows kindly respond. Thnkx

  2. Aw, it was an extremely nice post. In thought I have to invest writing such as this moreover – spending time and actual effort to produce a very good article… but what can I say… I procrastinate alot and also no indicates find a way to get something accomplished.

  3. 774489 916843You made some decent points there. I looked on the internet for the problem and discovered most individuals will go coupled with along together with your internet site. 175907

Comments are closed.