PARAÑAQUE CITY – NASILAYAN na ng pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na nahulog sa gusali sa Abu Dhabi ang labi nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Migrante International, dumating ang labi ni Mary Jean Alberto sa NAIA Terminal 2 noong Miyerkoleswas.
Sinasabing nagpakamatay si Jean sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-13 palapag ng gusali kung saan siya namamasukan sa Moroccan employer.
Hindi naman kumbinsido ang kanyang pamilya na ginawa ito ni Jean at naghihinala na pinatay ito ng amo.
Naging emosyonal naman ang bunsong anak ni Jean nang makita ang kabaong ng ina. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.