LABI NG OFW NAIUWI NA MULA SAUDI

saudi

BUTUAN CITY –HINDI na patatagalin pa at ililibing na ang labi ng overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa Saudi Arabia.

Ang labi ni David Alforque, 55-anyos, ay naiuwi na sa lungsod ng Butuan.

Ang OFW ay namatay sa Saudi Arabia noong Enero 16, 2019 matapos atakihin sa puso.

Ayon kay Fidela Alforque, bilas ng OFW, nakatakda na sana itong operahan ngunit na-comatose hanggang sa tuluyan nang binawian ng buhay.

Nanawagan naman ang pamilya Alforque na tulungan ng gobyerno ang anak ng biktimang nasa Saudi Arabia pa na makauwi na rin upang masilayan man lang sa huling pagkakataon ang kanyang ama. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.