US – ISANG taon makalipas ang pagkatagpo sa freezer ng katawan ng OFW na si Joana Dimafeliz, isang katawan ng Filipino na nagyelo ang natisod sa Chicago.
Kinilala ang Filipino na si Anthony Del Barrio, 30, na namatay sa tama ng bala sa pigi kung saan lumabas ang bala sa kanan niyang hita.
Nangyari ang pamamaril habang kasama ni Del Barrio ang isa niyang kaibigan.
Hindi naman masabi kung aksidente o sadyang binaril si Del Barrio.
Magugunitang Pebrero rin noong 2018 nang matagpuan ang labi ni Dimafeliz sa freezer sa isang abandonadong apartment sa Kuwait.
Ang pumatay sa Pinay ay ang kanyang mga amo na nakasuhan na.
Ang kaso ni Dimafeliz kung bakit nagkaroon ng temporary ban deployment sa Kuwait at nagkaroon ng malakas na guidelines para sa proteksiyon sa mga OFW. EUNICE C.
Comments are closed.