NAKILALA na ng mga awtoridad ang labi ni NBA legend Kobe Bryant bilang isa sa mga nasawi sa helicopter crash sa Calabasas sa Los Angeles, California.
Natukoy ng mga awtoridad ang labi ni Bryant sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanyang fingerprints.
Bukod kay Kobe, tatlo pang labi ang natukoy na rin ang pagkakakilanlan at kinabibilangan ito nina Ara Zobayan, piloto ng helicopter; baseball coach John Altobelli at Sarah Chester.
Ayon sa Los Angeles County Sheriff Department, patuloy pang kinikilala ang limang iba pang nasawi sa malagim na aksidente.