QUEZON – MISSION accomplished ang pamahalaang panlalawigang ito dahil umabot sa P32,391,638.55 ang kinita sa benta ng produktong pang-agrikultura mula sa 41 agri-booth exposition sa Perez Park sa Lucena City kasama na ang private setting booth na bahagi ng 2019 Niyogyugan Festival.
Ang nasabing datos ay sinabi ni Provincial Administrator/Provincial Agriculute Roberto Gajo.
Ang nasabing halaga ng benta ay mas mataas sa P27,691,118.17 na naitala noong isang taon.
Ang Agri-Booth ng Infanta ang may pinakamalaking kinita mula sa kanilang suman at alimango na may kabuuang P3,085,019 sumunod ang bayan ng Real na may P1,807,291.50; ang Atimonan na may P1,692,461; PadreBurgos, P1,644,004.; Sariaya, P1,296,140; Tiaong, P1,234,413; Lucban, P1,237,320 at San Antonio na nakabenta ng P1,108,910 mula sa kanilang produkto.
Ang mataas na benta o kita ay isang indikasyon ng pagtaas ng kita ng mga magsasaka ng niyog, gulay, palay at mangingisda. BONG RIVERA
Comments are closed.