MALAPIT nang maging bahagi ng mga aralin ng mga estudyante ang labor education.
Ito ay matapos aprubahan sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7927 o “Labor Education Act” na iniakda nila 1-PACMAN Partylist Reps. Michael Romero at Enrico Pineda.
Inaatasan sa ilalim ng panukala ang CHED na i-integrate sa higher education curriculum ang labor education sa social science subjects ng mga college student.
Dito ay maituturo sa mga mag-aaral ang labor rights, workers’ welfare, benefits, core labor standards, labor laws and regulations, national at global labor situation, labor issues, overseas work at iba pang may kinalaman sa pagtatrabaho.
Sinabi ni Pineda na mahalagang maisama sa tertiary education ang tungkol sa labor laws bago pa man maging bahagi ng workforce ang mga estudyante.
Ayon pa sa isa pang may-akda ng panukala na si Parañaque Rep. Gus Tambunting, aabot sa 37 million na mga Filipino ang hindi alam ang kanilang labor rights.
Tinukoy pa ng mga ito na ang labor force ang may malaking naiaambag sa bansa para sa pag-unlad ng ekonomiya. CONDE BATAC
Comments are closed.