LABOR LAW VIOLATORS ISUSUMITE NG DOLE

MAYNILA – MULING nanawagan si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga employer na ilagay sa regular status ang mga worker habang nagbabala na isusmite nila ang listahan ng mga lumalabag sa Department of Labor and Employment.

Aniya, nagkakaroon pa ng validation ang Bureau of Working Condition para sa nasabing listahan at isusumite ito sa ­Ma­lacañang sa Mayo 25.

Kasalukuyan pa ring pinaiigting ng kagawaran ang inspeksyon sa mga establi-simiyento sa buong bansa para sa pagsunod nila sa labor laws at standards at sa oc-cupational health and safety. Ilan naman sa prayoridad ng mga inspeksyon ay ang mga fastfood chain, malls, at manufacturing company habang sinabi ni Bello na may-roon pa silang ilalabas na mga compliance order upang ma-regular ang mga mangga-gawa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Dagdag pa ni Bello, nagpahayag na rin aniya ng suporta ang Employers Confedera-tion of the Philippines (ECOP) sa kampanya ng pamahalaan na ma­bigyan ng karapatan sa ‘security of tenure’ at ma-regular ang mga manggagawa.      PAUL ROLDAN

 

Comments are closed.