LACHICA BAGONG PSA PREXY

Rey Virgilio Lachica

PINANGUNGUNAHAN ni Tempo Sports Editor Rey Virgilio Lachica ang bagong set of officers ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

Si Lachica, 54, ay nagkakaisang ibinoto bilang presidente ng pinakamatandang media organization sa bansa sa virtual general assembly nito, na una sa kasaysayan ng PSA, na ginanap kamakailan.

Pinalitan niya si Tito Talao ng Manila Bulletin na nagsilbing presidente sa nakalipas na dalawang taon.

Produkto ng University of the East kung saan minsan siyang nagsilbi bilang sports editor ng The Dawn, ang official student publication ng eskuwelahan, si Lachica ng Marbel, Cotabato ay may malawak na karanasan sa sportswriting na umabot sa mahigit tatlong dekada ng pagtatrabaho para sa Malaya, Riyadh Daily, Manila Bulletin, atTempo.

Hinirang ni Lachica bilang kanyang First at Second Vice Presidents sina Nelson Beltran ng Philippines Star at Francis Ochoa ng Philippine Daily Inquirer, ayon sa pagkakasunod.

Itinalaga bilang secretary si Jasmine Payo ng Rappler, long-time People’s Journal sports editor Joe S. Antonio bilang treasurer, Gerry Ramos ng SPIN.ph bilang assistant treasurer, at Abac Cordero ng Philippines Star bilang auditor.

Ang PSA Board ay pinamumunuan ni Talao habang mga miyembro sina Jimmy Cantor (Malaya), Dodo Catacutan (SPIN.ph), Lorenzo Lomibao Jr. (Business Mirror), Riera Mallari (Manila Standard), Ed Andaya (People’s Tonight), Mae Villena (PM), Ramil Cruz (Abante Tonite), Emil Noguera (Manila Times), Julius Manicad (Daily Tribune), at Ferdz Delos Santos (Abante).

Si dating PSA president at current Daily TribuneManaging Editor Aldrin Cardona ang group adviser.

8 thoughts on “LACHICA BAGONG PSA PREXY”

  1. 395174 281764Nice post. I learn something much more challenging on different blogs everyday. It will always be stimulating to read content from other writers and practice slightly something from their store. Id prefer to use some with the content on my weblog whether you dont mind. Natually Ill give you a link on your internet weblog. Thanks for sharing. 990234

Comments are closed.