NAKAHANDA si Senador Panfilo Lacson na samahan si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling magpasya ito na bumisita sa Pag-asa island.
Ito ang inihayag ni Lacson sa kabila ng pagtaas ng tensiyon sa nasabing isla sa West Philippine Sea na sinasabing pinapaligiran na ngayon ng ilang mga Chinese militiamen.
“If the President decides to visit the island, I volunteer to join him in my capacity as an elected senator of the Republic and as a freedom-loving Filipino,” ayon kay Lacson.
Ani Lacson, handa siyang mag-volunteer kung nanaisin ni Pangulong Duterte na matungo ito sa naturang isla.
Nauna rito, binalaan ng pangulo ang China sa pagsakop sa nasabing lugar na isa sa pinakamalaking isla sa bahagi ng West Phil-ippine Sea.
Sinabi ni Duterte na ibang usapan na kapag ipinilit ng China ang pagpapadala ng kanilang mga tao sa nasabing isla.