Mga laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
8:30 a.m. – Arellano vs Letran (Men)
12 noon – Arellano vs Letran (Women)
2 p.m. – SSC-R vs San Beda (Women)
4:30 p.m. – SSC-R vs San Beda (Men)
BALIK ang University of Perpetual Help System Dalta sa NCAA women’s volleyball Final Four kasunod ng 25-21, 25-13, 25-22 panalo kontra of Lyceum of the Philippines University kahapon sa San Andres Sports Complex.
Nagpakawala si rookie Shai Umipon ng tatlong service aces para sa 22-point outing at nakakolekta ng 6 digs, at nag-ambag si Mary Rhose Dapol ng 19 points, kabilang ang 2 service aces.
Gumawa si setter Jhasmine Sapin ng 19 excellent sets habang nagningning din si Marian Andal para sa Lady Altas na may 21 digs at 7 receptions para sa Lady Altas.
May 7-1 record, ang twice-to-beat bid ng Parpetual ay nakabitin pa rin dahil ang defending champion College of Saint Benilde ay kailangan na lamang ng isang panalo para dumiretso sa championship round at maisaayos ang stepladder format sa Final Four.
Sa iba pang laro, umiskor si Riza Rose ng 22 points at nalusutan ng Jose Rizal University ang 30-point outing ni Krizzia Reyes upang pataubin ang Emilio Aguinaldo College, 25-19, 21-25, 17-25, 25-19, 15-5, at makapasok sa win column matapos ang pitong sunod na talo.
Tinapos ang eliminations na may 6-3 record, ang kapalaran ng Lady Pirates na makuha ang breakthrough Final Four stint ay nakadepende sa huling tatlong playdates.
Maaaring patalsikin ng Arellano University, na may 4-3 kartada, ang LPU sa No. 4 slot kapag nagposte ito ng convincing wins laban sa also-rans Letran ngayon at sa Emilio Aguinaldo College sa huling araw ng eliminations sa Martes.
Ang panalo sa tatlo o apat na sets ng Lady Chiefs sa huling dalawang laro, na kasalukuyang may 13 points, ay malalampasan ang Lady Pirates, na tumapos na may 18, sa points tiebreaker.
Nasa kontensiyon din ang Lady Cardinals, na may 6-2 marka, at ang panalo kontra Lady Altas bukas ay magbibigay sa kanila ng isang puwesto sa top four.