Mga laro bukas:
(San Andres Sports Complex)
8:30 a.m. – SSC-R vs EAC (Men)
12 noon – SSC-R vs EAC (Women)
2 p.m. – LPU vs Letran (Women)
4:30 p.m. – LPU vs Letran (Men)
NALUSUTAN ng University of Perpetual Help System Dalta ang third set loss upang pataubin ang Letran, 25-23, 25-21, 30-32, 25-19, at lumapit sa Final Four ng NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex.
Nakabawi ang Lady Altas sa fourth set sa likod ni Mary Rhose Dapol upang kunin ang ika-6 na panalo sa pitong laro.
Nanguna si rookie Shai Omipon para sa Perpetual na may 24 points, habang hataw si Dapol ng 3 blocks para sa 20-point outing na sinamahan ng 12 digs.
Gumawa si Jaja Tulang ng 5 blocks para sa 14-point outing, nagdagdag si Johna Dolorito ng 13 points at 10 digs habang umiskor din si Joan Doguna ng 13 points para sa Lyceum of the Philippines University na winalis ang San Beda, 25-20, 25-16, 28-26, upang makatabla ang walang larong Mapua sa 5-2 sa third place.
Si Dolorito ang bumanat ng match-winner para sa Lady Pirates, umiskor laban kina Lady Red Spikers’ Trisha Paras at Kat Medina para tapusin ang extended third set.
Ang panalo ay ikalawang sunod ng LPU, na nagpalakas sa kanilang kampanya para sa breakthrough Final Four stint.
Ang pagkatalo, ikatlo sa pitong laro, ay nag-alis sa Lady Knights sa top four, at naghahabol sila ngayon sa Lady Pirates at Lady Cardinals ng isang laro.
Umiskor si Judiel Nitura ng 16 points, kabilang ang 2 blocks, nagdagdag si Lea Tapang ng 12 points habang nagtala si Cha Cuñada ng 10 points, 11 receptions at 10 digs para sa Letran.