LADY BLAZERS DUMIKIT SA FINAL FOUR

Mga laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
9 a.m. – JRU vs Letran (Men)
12 noon – JRU vs Letran (Women)
2 p.m. – Arellano vs SSC-R (Women)
4:30 p.m. – Arellano vs SSC-R (Men)

PINATAOB ng titleholder College of Saint Benilde ang Mapua, 25-22, 25-16, 24-26, 22-25, 15-12, upang lumapit sa pagkopo ng isang puwesto sa Final Four sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex.

Nagbuhos si Gayle Pascual ng 24 points at 12 digs habang umiskor si Jade Gentapa ng 23 points, kabilang ang match-clinching kill na nagbigay sa Lady Blazers ng 6-0 kartada.

Ang Lady Cardinals ay nanalo sa kanilang huling tatlong five-setter matches, ngunit hindi nila ito nagawa kontra league-leaders.

Nauna rito, humabol ang Lyceum of the Philippines University mula sa pagkatalo sa isang set down at nalusutan ang matikas na pakikihamok ng Emilio Aguinaldo College sa fourth to fashion upang maitakas ang 23-25, 25-18, 25-23 panalo at makatabla ang Mapua sa 4-2.

Nanguna si Tere Manalo para sa Lady Cardinals na may 20points, kabilang ang dalawang service aces, at 12 digs, humataw si Nicole Ong ng tatlong blocks at tatlong aces para sa 16-point effort habang kumubra rin si rookie Roxie dela Cruz ng 16 points, kabilang ang dalawang service aces.

Nagpakawala si Joan Doguna ng anim na service aces upang tumapos na may 18 points at nakakolekta ng 15 digs habang kumana si Jaja Tulang ng 6 blocks para sa 16-point outing para sa Lady Pirates.

Naghahabol sa 22-23, tatlong sunod na aces ni Doguna ang nagselyo sa panalo ng LPU.

Tumipa si Jennifer Omipas ng 16 points at 7 receptions habang umiskor din si Cathrine Almazan ng 16 points, kabilang ang 2 blocks, at 15 digs para sa EAC.

Nalasap ng Lady Generals ang ika-4 na kabiguan sa limang laro.