Bella Belen.UAAP PHOTO
Standings W L
*NU 10 2
*DLSU 10 2
*UST 10 2
*FEU 8 4
Ateneo 4 8
AdU 3 9
UE 2 10
UP 1 11
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
10 a.m. – FEU vs UP (Men)
12 noon – AdU vs NU (Men)
2 p.m. – FEU vs UP (Women)
4 p.m. – AdU vs NU (Women)
SISIKAPIN ng National University na makasiguro ng playoff para sa twice-to-beat incentive sa Final Four sa pagsagupa sa also-ran Adamson sa UAAP women’s volleyball tournament ngayong Sabado sa Philsports Arena.
Nakaipit sa three-way tie sa first place sa 10-2, kailangan ng Lady Bulldogs na manalo sa 4 p.m. duel sa Lady Falcons, gayundin sa kanilang huling elimination round assignment.
Makakasagupa ng NU, kasalukuyang tabla sa defending champion La Salle at University of Santo Tomas sa ibabaw ng standings, ang Far Eastern University sa April 24.
Makaraang gapiin ang Lady Spikers, 22-25, 25-23, 25-16, 25-22, noong nakaraang Linggo, naghihinay-hinay si Season 84 Rookie-MVP Bella Belen upang makamit ng Lady Bulldogs ang layunin nito.
“Lagi lang naman kaming one game at a time. Hindi namin iniisip ‘yung future,” ani Belen.
“Kung ano ngayon, ‘yun ‘yung iniisip namin. Siguro ‘yung championship, darating sa amin yan pag pagtrabahuan namin kasi naniniwala po ako na lahat ng pagod, lahat may kapalit,” dagdag pa niya.
Balik sa Final Four sa unang pagkakataon magmula noong 2019, ang Lady Tamaraws, may 8-4 kartada sa fourth spot, ay may tsansa pa sa twice-to-beat bonus via playoff.
Kailangan ng FEU, na makakalaban ang kulelat na University of the Philippines sa alas-2 ng hapon, na malusutan ang kanilang huling dalawang elimination round matches at umasang mananatili ang NU, La Salle at UST sa 10 wins upang maipuwersa ang playoff para sa No. 2 spot.
Masaya si Congo’s Faida Bakanke sa ipinakita ng Lady Tamaraws sa huling tatlong panalo na nagbigay sa kanila ng puwesto sa Final Four.
“I’m so proud of my team. I’m very happy and proud of my team since we did well, that is most important,” sabi ni Bakanke.