Mga laro sa Linggo:
(Paco Arena)
10 a.m. – Benilde vs UP (Women)
12 p.m. – FEU vs UST (Women)
3 p.m. – NU vs UST (Men)
5 p.m. – Ateneo vs Letran (Men)
DINISPATSA ng reigning UAAP women’s champion National University ang Letran, 25-23, 25-21, 23-25, 25-11, para sa mainit na simula sa V-League Collegiate Challenge kahapon sa Paco Arena.
Nag-step up sa pagkawala ng kanilang top guns dahil sa national team commitments, sina Kaye Bombita, Mrtyle Escanlar at rookie Celine Marsh ay nagtuwang para sa 45 points upang tulungan ang Lady Bulldogs na iposte ang kanilang unang panalo.
Sumakay sa momentum ng kanilang five-set victory kontra Far Eastern University noong nakaraang linggo, winalis ng University of the Philippines ang Lyceum of the Philippines University, 25-16, 25-23, 15-25, 25-20.
Hindi nakasama ng NU sina star players Bella Belen, Alyssa Solomon at Arah Panique, na kasalukuyang nasa Alas Pilipinas para sa SEA V.League Week 2 sa Thailand.
Nanguna si Bombita para sa Lady Bulldogs na may 19 points, kabilang ang 3 service aces at 2 blocks, nagtala rin si Escanlar ng 2 blocks para sa 16-point effort habang nag-ambag si Marsh ng 10 points at nakakolekta ng 9 digs.
“We still need maturity, especially with the rookies and less experienced players, so this win is a big boost for the team and their confidence,” sabi ni NU assistant coach Karl Dimaculangan.
Nagbida sina Nica Celis at Kassy Doering sa atake ng Fighting Maroons sa decisive fourth set upang pangunahan ang Diliman-based spikers sa kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang five-set loss sa Lady Knights.
“It’s a positive note for us because, as you know, 70 percent of the UP lineup this year are rookies. We’re happy that most of the rookies are delivering. We can use some of the rookies, but what we need is consistency and maturity,” sabi ni coach Oliver Almadro.
Nagbuhos si Niña Ytang ng 16 points, kabilang ang 4 blocks, habang bumanat si Doering ng 6 blocks para sa 14-point outing para sa Fighting Maroons. Nagdagdag si Irah Jaboneta ng 10 points, 7 receptions at 6 digs habang nagpakawala si Celis ng match-best 4 service aces upang tumapos na may 9 points.
Nahulog ang Letran sa 1-1 katabla ang FEU at University of the East, habang bumagsak ang LPU sa 0-2 upang samahan ang NCAA holders College of Saint Benilde sa ilalim ng standings.