SUMALO ang defending four-time champion National University sa liderato habang pumasok ang University of Santo Tomas sa win column UAAP Season 81 women’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagbuhos si reigning MVP Jack Danielle Animam ng 20 points at 8 rebounds at nag-ambag si Ria Nabalan ng 14 points at 5 boards nang lapain ng Lady Bulldogs ang Ateneo, 90-64.
Kumana si Sai Larosa ng 28 points, 12 rebounds at 8 assists nang paglaruan ng Tigresses ang University of the Philippines, 129-42.
Bukod sa napalawig ang remarkable winning streak sa 66 games, sinamahan din ng NU ang walang larong De La Salle sa ibabaw ng standings na may 2-0 kartada.
Nanguna si Jhazmin Joson para sa Lady Eagles na may 14 points, 4 boards at 3 assists habang nagdagdag si Jollina Go ng 12 points, 5 rebounds, 4 steals at 2 assists.
Bumagsak ang Ateneo sa ikatlong puwesto na may 2-1 marka katabla ang Far Eastern University.
Tumipa si Congo’s Grace Irebu ng double-double na may 24 points at 13 rebounds at gumawa ng 6 blocks upang tulungan ang UST na maipatas ang record nito sa 1-1 kasalo ang Adamson University sa ika-5 puwesto.
Tumapos naman si Noella Cruz na may 13 points at 6 steals para sa Lady Maroons, na natalo ng tatlong sunod.
Iskor:
Unang laro:
UST (129) – Larosa 28, Irebu 24, Capilit 17, Ferrer 17, Tacatac 12, Sangalang 8, Aujero 7, Magat 6, Rivera 4, Casiano 3, Gonzales 3, Valera 0, Villar 0.
UP (42) – Cruz 13, Ferrer 8, Amar 4, Hidalgo 4, Medina 4, L. Ordoveza 3, De Guzman 2, Larrosa 2, Rivera 2, Bascon 0, De Leon 0, Gonzales 0, Lebico 0, Moa 0, C. Ordoveza 0, Rodas 0.
QS: 29-7, 69-18, 95-28, 129-42
Ikalawang laro:
NU (90) – Animam 20, Nabalan 14, Itesi 12, Del Carmen 10, Harada 8, Fabruada 7, Pingol 4, Camelo 4, Cacho 4, Ceño 3, Canuto 2, Cac 2, Bartolo 0, Goto 0, Layug 0.
Ateneo (64) – Joson 14, Go 12, Newsome 10, Buendia 8, Nimes 8, Guytingco 6, Villamor 6, Cancio 0, De Dios 0, Gino-Gino 0, Moslares 0, Chu 0.
QS: 22-9, 46-32, 69-40, 90-64
Comments are closed.