NAPALAWIG ng defending four-time champion National University ang kanilang winning streak sa tatlo habang kinuha ng Far Eastern University ang solong ikalawang puwesto sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.
Naitala ng Lady Bulldogs ang 74-66 panalo laban sa De La Salle upang madugtungan ang kanilang remarkable perfect run sa 65 games sa kabuuan, habang sinuwag ng Tamaraws ang Ateneo, 54-45, para sa 3-1 kartada.
Sa iba pang laro, ginapi ng University of Santo Tomas ang Adamson University, 85-55, habang nakapasok ang last season’s runner-up University of the East sa win column matapos ang tatlong sunod na talo sa pamamagitan ng 49-40 decision laban sa University of the Philippines.
Naiposte ng Tigresses ang kanilang ikalawang panalo sa tatlong laro upang samahan ang Lady Archers sa ikatlong puwesto, habang nasibak ang Lady Eagles sa ‘top four’ makaraang malasap ang ikalawang kabiguan laban sa dalawang talo.
Nanatiling walang panalo ang Lady Maroons sa apat na simula.
Comments are closed.