LADY BULLDOGS SA SSL FINALS

NAGMARTSA ang National University sa championship round makaraang magaan na dispatsahin ang Letran, 25-19, 25-18, 25-21, sa 2024 Shakey’s Super League (SSL) National Invitationals do-or-die semifinals nitong Linggo sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagpamalas ang Lady Bulldogs ng katatagan upang mapigilan ang paghahabol ng Lady Knights mula sa nine-point deficit sa third frame at nakumpleto ang kanilang ika-4 na sunod na straight-sets win.

Wala pa ring talo sa torneo na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner, Team Rebel Sports at Mikasa, makakasagupa ng NU sa best-of-three finals ang magwawagi sa pagitan ng reigning NCAA champion College of Saint Benile at Far Eastern University sa isa pang  semis pairing.

Ang Game 1 ng championship showdown ay nakatakda ngayong Lunes, alas-4 ng hapon, sa parehong venue.

“Happy na nanalo kami and will play in the championship. Everybody played their role pero need pa rin talaga ng connections especially yung mga new players,” wika ni Lady

Bulldogs head coach Norman Miguel.

Nagbuhos si veteran hitter Bella Belen ng 18 points mula sa 14 kills, 3 aces at 1 kill block habang umiskor si Arah Panique ng 9 markers para sa NU, na target idagdag ang  National Invitationals crown makaraang pagharian ang unang dalawang edisyon ng centerpiece Collegiate Preseason Championship.

Sina Belen at Panique ay nakapaglaro pa makaraang iurong ang Japan training camp ng Alas Pilipinas.

Nakakolekta si Erin Pangilinan ng 8 points habang nagtala sina Vange Alinsug at Aishat Bello ng tig-6 points para sa reigning UAAP champions Lady Bulldogs.

Gumawa si Gia Maquilang ng 12 points habang tumapos si Nizelle Martin na may 10 para sa Letran, na makakaharap ang isa pang semis loser sa duelo para sa  third place.

Ang battle for bronze ay isa ring best-of-three affair.  

CLYDE MARIANO