Mga laro ngayon:
(Paco Arena)
10 a.m. – UP vs
LPU (Women)
12 p.m. – NU vs
Letran (Women)
3 p.m. – Letran vs
Perpetual (Men)
5 p.m. – UST vs
DLSU (Men)
SISIMULAN ng reigning UAAP women’s champion National University ang kanilang kampanya sa V-League Collegiate Challenge na wala ang kanilang top players dahil sa national team commitments kontra Letran ngayong Miyerkoles sa Paco Arena.
Ang 12 noon showdown sa pagitan ng Lady Bulldogs at ng Lady Knights ay inaasahang magiging kapana-panabik dahil kapwa hangad ng dalawang koponan ang maagang bentahe sa torneo.
Sina Bella Belen, Alyssa Solomon at Arah Panique, na kasalukuyang nasa Alas Pilipinas sa idinadaos na SEA V League tournament, ay hindi lalaro sa opener.
Sa kabila ng pagliban ng kanilang top gunners, ang NU ay maraming sandata upang mamayani laban sa Letran, ang NCAA Season 99 runner-up na galing sa second-place finish sa isang Davao City pocket tournament noong weekend.
Samantala, sisimulan ng University of the Philippines ang four-match bill kontra Lyceum of the Philippines University sa alas-10 ng umaga, sisikapin na masundan ang five-set victory laban sa Far Eastern University noong nakaraang July 31.
Inaasahang pangungunahan nina rookies Kassy Doering at Kianne Olango, kasama si Irah Jaboneta, ang kampanya ng Fighting Maroons na ipagpatuloy ang pagbangon mula sa opening day loss sa Lady Knights.