BITBIT ang pangakong gagawin ang Pasig na isang Smart City ay naghain na si Sarah Discaya ngayong hapon ng Certificate of Candidacy matapos mag-attend sa isang special mass kasama ang pamilya at makipag-usap sa kanyang supporters, na ang pagsisikap para sa magandang buhay ay naging inspirasyon umano niya sa pagtakbo bilang alkalde.
Si Discaya, na kilala rin sa Pasig bilang Ate Sarah, ay isang negosyante na palagiang binibisita ang low-income at underprivileged na mga komunidad sa lungsod para sa kanyang regular charity works.
Ang kanyang longtime medical mission at pamamahagi ng lahat ng uri ng tulong sa mga nangangailangang Pasigueños, na karamihan ay mahihirap, ang nag-udyok sa maraming sectoral organizations na kumbinsihin siyang pumasok sa politika sa pamamagitan ng pagsali sa 2025 mayoralty race.
“With hard-earned experiences in our established businesses, we have much to contribute in transforming Pasig into a Smart City, where technology and data are being optimized to improve the life of the Pasigueños,” sabi ni Discaya.
Binanggit niya ang tahanan para sa marginal renters at informal settlers sa Pasig bilang isa sa kanyang pangunahing agenda at magiging pamana sa sandaling maging homeowners ang mga ito.
“Not just a mass housing project, but a sustainable ‘home for the homeless program’ for deserving Pasigueños where the awardees are provided with basic utilities and amenities and their means of economic survival,” pagbibigay-diin ni Discaya, na ipinaliwanag na “a house is not a home without an employment or income opportunities for occupants.”
Bilang kandidato sa pagkaalkde, ang plataporma ni Sarah, na ang team ay binubuo ng mga abogado at kilalang personalidad at local leaders, ay pangunahing nakapokus sa Smart healthcare o technology-driven programs, de kalidad na education program sa Smart schools, ligtas at protektadong neighborhood kung saan magagamit ng local law enforcers ang teknolohiya at datos sa pangangalaga sa peace and order, at infrastructure projects na higit na kinakailangan ng Pasigueños, tulad ng multi-level parking buildings upang mapaluwag ang trapiko sa mga kalsada.
Sa pangarap niyang mai-transform ang Pasig na isang Smart City ay malinaw umano na ang teknolohiya ang gabay sa pag-unlad ng buhay ng kanyang mga kababayan.
“Dahilan upang nakapokus ang agenda ng Team Sarah sa limang pangunahing state-of-the-art infrastruture ‘tulad ng1. Smart Hospitals para sa de kalidad na healthcare ng Pasigueños, 2. Smart Schools para sa de kalidad na edukasyon ng mga batang Pasig,
3. Smart Facilities ng law enforcers para sa pag-maintain ng kapayapaan sa mga pamayanan, 4. Smart Homes na may income opportunities ang awardees para sa informal settlers at marginal renters, at 5. Smart City Hall na reasonable lang ang badyet para sa mga tapat na lingkod-bayan ng Pasig.