Mga laro bukas:
(San Andres Sports Complex)
9 a.m. – Letran vs SSC-R (Men)
12 noon – Letran vs SSC-R (Women)
2 p.m. – San Beda vs EAC (Women)
4:30 p.m. – San Beda vs EAC (Men)
IPINALASAP ng Arellano University sa Lyceum of the Philippines University ang una nitong kabiguan sa 26-24, 25-16, 25-16 panalo sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex.
Nakakuha ng kinakailangang kumpiyansa makaraang magwagi sa extended first set, dinomina ng Lady Chiefs ang sumunod na dalawa upang putulin ang three-match winning streak ng Lady Pirates. Naipuwersa ng Mapua ang four-way logjam sa Arellano, LPU at walang larong University of Perpetual Help System Dalta sa second spot sa 3-1 kasunod ng 25-23, 27-25, 21-25, 25-23 panalo kontra winless Jose Rizal University.
Ang defending champion College of Saint Benilde ang nalalabing undefeated team na may 4-0 record.
Nanguna si Marianne Padillon para sa Lady Chiefs na may 12 points, umiskor si Trina Abay ng 11 points, kabilang ang 6 blocks, habang gumawa rin si rookie Laika Tudlasan ng 11 points.