LADY DRUG COURIER TIMBOG SA BUY BUST

CEBU-AABOT sa P122,000 ang halaga ng shabu, nakumpiska sa babaeng drug suspect sa buy-bust operation ng pulisya sa Cebu City.

Itinago sa pangalang Pusa, 47-anyos at residente ng Brgy. Mabolo ang nadakip ng mga kagawad ng Cebu City Police Office (CCPO).

Sa ulat ni City Director ng CCPO Colonel Ireneo Dalogdog kay PRO-7 Regional Director BGen. Roderick Augustus Alba, ang operasyon ay ikinasa bandang alas-10:30 ng gabi ng mga miyembo ng City Drug Enforcement Unit na pinangunahan ni Major Dindo Juanito Alaras na nauwi sa matagumpay na pagkakadakip kay Pusa.

Nakumpiska kya alyas Pusa ang nasa 18 gramo ng shabu na may standard drug price value na P122,400.00; isang coin purse at buy-bust money.

Ang mga nakuhang ebidensya ay agad naman na dinala ng mga awtoridad sa Cebu City Forensic Unit Office 7 para sa pagsusuri.

Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa Costudial Facility ng Cebu City Police Office at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Art. II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang sa maayos at mahusay na kampanya ng Cebu City Police Office kontra illegal na droga, kung kaya, tiniyak ng buong lakas nito na kanila pang pag-iibayuhin ang kanilang hakbangin upang wakasan ang problema sa illegal na droga sa lungsod at nang masiguro ang kaayusan, kaligtasan at kapayapaan ng komunidad. EUNICE CELARIO