CEBU – ARESTADO sa buy-bust operation ng pulisya ang 38-anyos na babaeng drug dealer sa Barangay Kasambagan, Cebu City.
Ayon kay Lt Col. Maila Maramag, pinuno ng Cebu City PNP Drug Enforcement And Intelligence Unit, aabot sa P20,400 million ang halaga ng shabu na nakumpiska sa babaeng high value target.
Sinabi ni Maramag na nakuha sa lady drug personality ang 3,010 gramo ng shabu.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002.
Puspusan ang ang anti-illegal drug operation ng Philippine National Police (PNP) upang matuldukan ang paglaganap ng ilegal na droga.
Kabilang sa prayoridad ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang maputol na ang nabanggit na masamang bisyo.
EUNICE CELARIO