Laro sa Sabado:
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. – Streetdance Competition
Mga laro sa Linggo:
(Ynares Center)
8 a.m. – UP vs UE (Men)
10 a.m. – DLSU vs UST (Men)
2 p.m. – FEU vs AdU (Women)
4 p.m. – UP vs DLSU (Women)
HUMATAW si Maddie Madayag ng league record na 11 blocks para sa 23-point outing nang igupo ng Ateneo ang University of Santo Tomas, 19-25, 22-25, 27-25, 25-22, 15-11, at manatiling No. 1 team sa UAAP women’s volleyball tournament kagabi sa Filoil Flying V Centre.
Nalusutan ng Lady Eagles, napalawig ang kanilang winning streak laban sa Tigresses sa 15 matches mula pa noong 2012, ang 35-point explosion ni Sisi Rondina upang umangat sa 7-1 kartada.
Ipinagkaloob nina Kat Tolentino at Madayag ang killer blows sa fourth set para sa Ateneo upang maipuwersa ang decider.
Makaraang hayaan ang Lady Eagles na maitarak ang 24-22 bentahe, nakuha ng Tigresses ang kinakailangang breaks at naga-wang makaabot sa match point, 25-24, sa kill ni Rondina.
Subalit nanalasa si Bea de Leon sa third frame at ibinigay ang huling tatlong puntos ng Ateneo, kabilang ang isang quick kill at isang service ace.
“I really give this to UST. But the breaks of the game favored us,” wika ni Lady Eagles coach Oliver Almadro.
Bumagsak ang Tigresses sa 5-3 sa ikatlong puwesto.
Nauna rito ay napantayan ng University of the East ang win total nito noong nakaraang season at pinutol ang four-game slide sa pamamagitan ng 25-16, 25-18, 24-26, 25-16 panalo laban sa National University.
“Kailangang-kailangan namin ‘yung panalo talaga kasi sayang naman lalo na sa mga graduating player,” sabi ni coach Karl Dimaculangan makaraang makatabla ng Lady Warriors ang kanilang biktima sa 2-6 sa ika-6 na puwesto.
“Kung hindi kami aabot sa Final Four, ilalaban na lang siguro namin ‘yung rank namin. Hindi naman kami lagi na No. 8 na for ilang years na rin,” dagdag pa niya.
Sa men’s division, bumanat si Ron Medalla ng career-high 32 points, kabilang ang tatlong blocks at dalawang service aces nang putulin ng Ateneo ang unbeaten seven-match winning run ng Far Eastern University sa pamamagitan ng 31-29, 22-25, 25-23, 26-24 panalo upang umangat sa 5-3 sa ikatlong puwesto.
Comments are closed.