LADY EAGLES LUSOT SA LADY BULLDOGS

UAAP Season 81 women’s volleyball tournament

NALUSUTAN ng ­Ateneo de Manila University ang error-filled opening set at ang matikas na pakikihamok ng National University upang maitakas ang 23-25, 25-17, 25-23, 25-17 panalo at mainit na tapusin ang  first round ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Binuhat ni veteran Bea De Leon ang  Lady Eagles sa kalagitnaan ng fourth set kung saan ginamit ng Ateneo ang kanilang eksperyensya upang mapalawig ang kanilang winning run sa anim para sa 6-1 kartada sa ibabaw ng standings.

“The first round was really tough for us,” wika ni Ateneo coach Oliver Almadro.

“I told my players that the second round will be tougher.”

Nanguna si Maddie Madayag para sa Lady Eagles na may 17 points mula sa 10 attacks, apat na aces at tatlong kill blocks subalit si De Leon ang umapula sa mainit na paghahabol ng Lady Bulldogs.

Umiskor si De Leon ng tatlong sunod na puntos sa 5-0 spurt ng Ateneo upang bigyan ang Lady Eagles ng 20-14 bentahe makaraang tapyasin ng Lady Bulldogs ang 15-11 deficit sa isang puntos lamang,  15-14.

Tumapos si De Leon na may 13 points, tampok ang apat na  kill blocks habanf nagdagdag sina Ponggay Gaston at Kat Tolentino ng tig-10 markers para sa Ateneo.

Comments are closed.