Laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
3:30 p.m. – Ateneo vs FEU (Women Semis)
PAG-AAGAWAN ng Far Eastern University at Ateneo ang nalalabing Finals berth sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.
Ang magwawagi sa 3:30 p.m. match ay makakaharap ng University of Santo Tomas sa best-of-three championship series simula sa Sabado.
Ang fourth-ranked team sa eliminations, binura ng Lady Tamaraws ang twice-to-beat advantage ng Lady Eagles sa pamamagitan ng 10-25, 25-23, 25-22, 12-25, 15-8 panalo noong Sabado upang ipuwersa ang knockout game sa Final 4.
“Overwhelmed siyempre pero hindi pa tapos, eh. Hindi pa time to celebrate, marami pa kaming mga bagay na ipi-fix for Game 2 kasi I’m sure sa Game 2 ibang team ang makikita namin both teams. Ibang intense na laro,” wika ni coach George Pascua, na nag-tatangkang ihatid ang FEU sa ikalawang sunod na Finals stint.
Punum-puno ng motibasyon ang Lady Tamaraws para makabalik sa title round, lalo na sina graduating players Jerrili Malabanan, Kyle Negrito at Heather Guino-o, dahil lumipat ang momentum sa 29-time champions.
“I told the team earlier during the game that this wasn’t gonna be our last game. We’re really happy we achieved that goal,” sabi ni skipper Malabanan.
“Me and Kyle and Heather like last night (Friday) we had a meeting and then we told each other that this isn’t gonna be our last game. We’re happy that our season is extended,” dagdag pa niya.
Sa kanilang mga huling laro ay kuminang si Guinoo para sa FEU.
Makaraang magpasabog ng 24 points sa 25-22, 13-25, 15-25, 27-25, 15-8 pagsilat sa De La Salle sa pagtatapos ng eliminations, si Guino-o ay may limang service aces at apat na blocks upang magtapos na may 17 points kontra Ateneo.